Description
Nanganganib ang buong Kinagabihan dahil sa pwersa ni Hukluban. Ang pagdating nila ay paghihiganti laban sa angkan ng mga kapre. Isang grupo ng mga kabataang kalahating kapre at kalahating tao ang lalaban sa masamang pwersa na ito. Sa pangunguna ni Kaps, kasama ang kaniyang bagong kaibigang sina Lucky at Stacey, sama-samang ipagtatanggol ng mga Junior Kapre Officers ang Kinagabihan at ang kanilang buong angkan.
Habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan, magtatagumpay ba sila sa kanilang misyon o mahihirapan sa kanilang laban?
Samahan sina Kaps, Stacey, at Lucky sa isang kapanapanabik na kwento ng tapang at pagkakaibigan sa “ Si Kaps at ang Lihim ng Puno ng Balete.”