Karayama (Super Teen Kapre)

350.00

Tahimik at masagana ang isla ng Panglawan, pero lahat ng iyon ay nagbago nang magsimula ang mga sunod-sunod na misteryosong ganap. Nang magkaroon ng red tide, inisip nina Kovi, Iselle, Daks, Jerby Neutron, at Addie na isa lang itong “natural phenomenon” na pwedeng mangyari kahit saan. Pero paano ipapaliwanag ang mga nawawalang kababaihan? O ang biglaang pagdagsa ng kakaibang kulisap na hindi pa nila kailanman nakita—mga insektong sumira sa lahat ng pananim sa isla?

Bilang half-Kapre, si Kovi ang unang nakaramdam na may mas malalim at supernatural na dahilan sa likod ng mga pangyayari. Agree naman ang barkada niya. Una nilang pinaghinalaan ang mga tamawo ng Alimpuyo. Napaisip din sila kung may kinalaman ang mga laman-lupa sa Kinaadman. Pero iba ang nakita nila sa kanilang pagre-research at pag-iimbestiga. Ang dahilan ng pagdurusa ng Panglawan ay isang sumpang nag-ugat sa galit—galit na hinubog sa loob ng tatlong daang taon ng isang nilalang na nagbabalik para maghiganti.

Sa tulong ng kanyang barkada at unti-unting nadidiskubreng superpowers bilang half-Kapre, magagawa kaya ni Kovi na pigilan ang sumpa at maibalik ang kagandahan ng Panglawan? O habangbuhay na nilang hindi makikita ang mga tunay na kulay ng gabi?

Additional Information

Publication Date: December 2024

Book Details: 190 pages; 5×8

Language: Conversational Filipino

Keywords: friendship, teen superhero, enchanted island

Description